LEGAZPI CITY- (Update) Pormal nang naisampa ang kasong Homicide laban sa suspek sa pananaksak sa sariling live-in partner sa Brgy. Binanuahan, Bato, Catanduanes.

Kinasuhan na si Reymark Tabilin, 28-anyos sa pamamaslang sa elementary public school teacher na si Liezl Tato, 24-anyos.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLt. Francis Tabo, hepe ng Bato PNP, naka-confine sa ospital ang suspek batay sa rekomendasyon ng doktor.

Una nang ibinalik sa ospital ang lalaki matapos na iuntog ang ulo sa pader na dahilan ng pagkasugat.

Samantala, nilinaw ng hepe na higit sa inaasahang tama ng saksak ang tinamo ni Tato na batay sa resulta ng post mortem examination na umaabot sa 33 sugat.

Tiniyak naman ng hepe ang pagkalap ng impormasyon para sa factual at supporting evidence lalo na’t nananatiling malabo ang motibo sa krimen habang hindi rin umano kapani-paniwala ang depensa ng lalaki na sinaniban kaya nakagawa ng masama.

Umaasa naman si Tabo na may makukuhang importanteng impormasyon sakaling payagan na ng korte ang pagbukas ng cellphone ng biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here