-- Advertisements --

Inatake ng hindi pa nakikilalang suspek ang limang tao sa New York ilang araw matapos ang naganap na tensyon sa naturang lugar dahil sa anti-Semitic assaults.

Ayob sa Orthodox Jewish Public Affairs Council, nakasuot umano ng scarf ang suspek nang bigla na lamang daw itong pumasok sa isang bahay sa Monsey, Rockland County kung saan pinagsasaksak nito ang limang katao.

Kaagad namang dinala sa pinaka malapit na ospital ang limang biktima. Dalawa sa mga ito ay kritikal ang kalagayan habang ang isa naman ay nagtamo ng anim na saksak.

Nagpaabot na rin ng mensahe si New York Attorney General Letitia James kasunod ng insidente.

“There is zero tolerance for acts of hate of any kind and we will continue to monitor this horrific situation.”

Patuloy naman ang isinasagawang paghahanap ng mga otoridad sa suspek.