-- Advertisements --
Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril sa isang babae sa Switzerland.
Patay ang 22-anyos na babae habang sugatan ang limang iba pa matapos na sila ay pagbabarilin sa Aarau, Switzerland.
Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima kung saan ang suspek ay isa umanong Italian national.
Base sa impormasyon, nangyari ang insidente habang nagaganap ang isang party sa lugar.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente kung saan patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.
















