-- Advertisements --

Kinasuhan ng first-digree murder at murder of foreign officials ang suspek na si Elias Rodriguez matapos pagbabarilin at patayin ang dalawang Israeli embassy staff sa labas ng Capital Jewish Museum sa Washington DC.

Ayon sa mga awtoridad, inuugnay ang insidente bilang isang hate crime.

Batay sa ulat palabas umano mula sa isang event ang dalawang biktima na sina Yaron Lischinsky at Sarah Lynn Milgrim ng barilin ni Rodriguez.

Bago nahuli sumisigaw pa umano ang suspek ng ”free Palestine.”

Patuloy ang imbestigasyon at inaasahan ang mga karagdagang kaso laban sa suspek na mananatili naman sa kustodiya ng mga awtoridad habang hinihintay ang susunod na pagdinig nito sa korte sa Hunyo 18, 2025.

Samantala kinondena naman ng mga lider mula sa buong mundo ang insidente, kabilang si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at US President Donald Trump kung saan tinawag ni Netanyahu na antisemitic attack ang insidente.