CENTRAL MINDANAO- Hinuli ng pulisya ang isa sa mga suspek sa karumal-dumal na masaker sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Faisal Dimaukom alyas Kagi Faizal,42 anyos, may asawa at residente ng Brgy Kabengi Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.

-- Advertisement --

Ayon kay PNP-BARMM Regional Director Bregadier General Marni Marcos na hinuli ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Division, Regional Mobile Force Battalion 14 at Datu Saudi Ampatuan PNP ang suspek sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Narekober sa posisyon ni Dimaukom ang isang granada.

Umaabot pa sa 79 suspek sa brutal na masaker sa Sitio Masalay Brgy Salman Ampatuan Maguindanao na ikinasawi ng 58 ka tao kabilang na ang 32 na Mamamahayag ang pinaghahanap ng mga otoridad.

Ang suspek ay nakapiit na sa costudial facility sa Parang PNP sa Parang Maguindanao at nakatakdang I-presenta kay Quezon City Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes.