Pormal ng sinampahan ng kaso ang 21-anyos na suspek sa pagpapakalat ng mga sensitibong dokumento ng Pentagon.
Ang 21-anyos na si Jack Teixeira ay sinampahan ng kasong unauthorized retention and transmission of national defense information at unauthorized removal of classified information and defense materials.
Itinakda sa susunod na linggo ng judge ang pagdinig sa kaso ni Teixeira.
Si Teixeira ay miyembro ng Massachusetts Air National Guard ay inaresto ng FBI noong nakaraang araw matapos na matukoy na siyang nagpakalat ng mga sensitibong dokumento sa online.
Ang ilang mga dokumento ay naglalaman ng giyera ng Ukraine at Russia ganun din ang mga ugnayan ng US sa ilang mga kaalyadong bansa nito.
Ayon sa Air Force na nagtrabaho ang suspek sa Cyber Transport Systems journeyman.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na siya rin ang namumuno ng invite-only Discord chatroom na tinatawag na Thug Shaker Central kung saan dito niya ipinost ang mga sensitibong dokumento.