ILOILO CITY – Kumbinsido ang bise alkalde ng Valderrama, Antique na siya ang target ng gunman na nakapaslang sa isa nitong supporter sa Brgy. Buluangan kamakaialan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Vice Mayor Josefino Castillon na malaki ang posibilidad na pulitika ang motibo ng tangkang ambush sa kanya habang nasa gitna ng isang aktibidad.

Naniniwala ang opisyal na tauhan ng kanyang kalaban na si incumbent Mayor Jocelyn Posadas ang suspek ng krimen na pumatay sa taga-suporta nitong si Angelito Roquero.

Nabatid na kalaban ni Castillon sa panibagong termino bilang bise alkalde ang dating mayor ng Valderrama na si Mary Joyce Roquero.