-- Advertisements --
Umabot sa mahigit 10 oras bago tuluyang natapos ang hostage-taking incident sa isang synagogue sa Dallas, texas.
Ligtas na nakalabas ang apat na katao kabilang na ang rabbi sa Congregation Beth Israel synagogue sa Colleyville.
Napatay naman ng mga otoridad ang suspek na si Muhammad Siddiqui matapos na makipaglaban sa mga FBI at mga kapulisan na rumesponde.
Hiling kasi ng suspek na palayain ang kapatid nitong si Aafia Siddiqui, isang Pakistani neuroscentist na kasalukuyang nakakulong matapos hatulan na makulong ng 86-taon dahil sa pagpatay sa isang US military officer sa Afghanistan noong 2010.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na isang British national umano ang nasabing suspek.