Maghahain ang Office of the Solicitor General (OSG) ng tugon ng pamahalaan sa petisyon ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa laban sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Ito ay matapos bigyan ng Korte Suprema ang ehekutibo ng 72 oras para magsumite ng komento.
Ayon sa OSG, magsusumite sila bago ang deadline sa May 16, 2026 alas-6:44 ng gab upang sundin ang utos ng korte.
Kabilang sa mga respondent na ahensya ng gobyerno ang Office of the Executive Secretary, Department of Justice, at Department of the Interior and Local Government.
Nauna nang humiling si Dela Rosa ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa ICC warrant, ngunit hindi ito pinagbigyan ng Korte Suprema.
Inilabas ng ICC ang warrant laban sa senador dahil sa pagiging “co-perpetrator” diumano sa mga patayan sa drug war ng administrasyong Duterte.















