-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang indibidwal matapos ang ginawang buy bust operation na nauwi sa Armed Confrontation sa Barangay Bagong Sirang, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Rhoderick Balbuena, 34-anyos residente ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PLt Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Pili MPS sinabi nito na dati na umanong sumuko sa mga otoridad ang nasabing suspek ngunit muli itong bumalik sa pagbebenta ng mga pinaniniwalaang iligal na droga.

Batay sa imbestigasyon, una na umanong nakatunog ang suspek na tropa na ng gobyerno ang kaniyang katransaksyon kung kaya agad itong nagpaputok ng baril na agad namang ginantihan ng mga otoridad na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.

Ayon pa kay Lanuza, narecover sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php170,000.00, isang cal.38 revolver, mga bala at buy bust money.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.