Agad na naaresto ng mga awtoridad ang suspek na naghagis ng bomba kay Prime Minister Fumio Kishida habang nangangampanya para sa kanyang kapartido para sa local election sa House of Representatives sa Wakayama No.1 district.
Hindi naman nasaktan at agad na nailikas mula sa pinangyarihan ng insidente ang Punong Ministro.
Kinansela na rin ang political speech ni Kishida dahil sa insidente.
Pinaniniwalaang isang “smoke bomb” ang inihagis ng suspek na isang cylindrical silver object.
Mula sa nakuhang CCTV footage, isang kabataang lalaki ang suspek na nakasuot ng salamin, mask at gray rucksack na nakahalubilo sa mga tao na nagtipon-tipon para mapakinggan ang speech ni Kishida.
Inaresto ang suspek dahil sa suspicion of forcible obstruction of business at idinitine sa Wakayama West police station para kastiguhin.
Dahil sa pangyayari, muling nanumbalik ang alaala ng malagim na trahedya sa assassination kay dating Prime Minister Shinzo Abe noong nakalipas na taon na pinagbabaril habang nagbibigay ng speech bago ang upper house election.