-- Advertisements --

Napatay ng mga sundalo ng Israel ang suspected bomber mula sa Lebanon.

Bago nito ay pinasabog ng suspek ang isang bomba sa Megiddo Junction na ikinasugat ng ilang sibilyan.

Matapos nito ay nagsagawa ng follow-up operations ang mga sundalo at natunton nila ang suspek.

Nakasuot pa ng explosive belt pa ang suspek at maraming mga armas ang kanilang nakuha sa kaniyang sasakyan.

Malaki ang hinala ng mga otoridad na konektado sa Hezbollah terrorist army ang suspek.

Itinuturing ng mga otoridad na isang seryosong usapin ang insidente kaya pinaikli na ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kaniyang biyahe sa Germany.