-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umakyat na sa 21 ang nasawi sa pamamaril ng nag-iisang gunman sa isang elementary school sa South Texas

Labing siyam sa mga nasawi ay pawang mga estudyante habang ang dalawa ay mga guro.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Aileen Ligot Dizon, isang Divorce and Family lawyer sa Houston, Texas, sinabi niya na binili ng gunman ang baril bilang regalo sa sarili sa kanyang 18th birthday na siya namang ginamit sa pamamaril.

Aniya ang Robb Elementary school ay nag aadmit ng mga 2nd grader students kung saan ang mga nasawing estudyante ay tinatayang may edad 7 hanggang 10.

May ilang estudyante pa rin ngayon ang patuloy na hinahanap ng kanilang mga magulang matapos na itakbo sa ibat ibang pagamutan.

Laking pasasalamat naman ni Atty. Dizon sa patroller na nakarinig sa pamamaril at agad na tumugon hanggang sa makabarilan ang gunman at mapatay.

Nagpapatuloy ang imbestigasiyon sa pamamaril at tanging impormasiyon na hawak ngayon ng mga otoridad ay ang pag-chat pa umano ng pinaghihinalaan sa kanyang lola bago magtungo sa Rodd Elementary School at walang habas na namaril.