Sara-Bongbong
-- Advertisements --
20211023 185309

DAVAO CITY – Palaisipan pa rin ngayon sa mga supporters ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa lungsod ang pagbisita niya sa lungsod ng Cebu kahapon kung saan nasa nasabing lugar din ang presidential candidate na si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Una ng kumalat sa social media ang larawan ni Davao City Mayor Sara Duterte na suot ang green hoodie jacket na may nakasulat na “Sara All 2022”.

Nagpalabas pa ng larawan ang presidential daughter na nagkaroon nga sila ng pulong ni Marcos.

Dahil dito, marami ang nabuhayan ng loob na posibleng magbabago pa ang isipan ng alkalde na tatakbo sa mas mataas na posisyon kung saan muli itong nakita sa publiko matapos sumailalim sa quarantine dahil sa COVID-19.

Una ng kinumpirma ni Mayor Inday na pumunta ito ng Cebu para kausapin ang kanyang pinsan na si Cebu 5th District Board Member Red Duterte.

-- Advertisement --

Samantala nakipagkita naman si Marcos kay Cebu Governor Gwndolyn Garcia.

Naniniwala naman ang mga supporters ni Mayor Inday na posibleng magta-tandem sila ng dating senador sa 2022 national and local election.

Kung maalala ilang lider ng Lakas-CMD party ang umamin na merong nakareserba na substitution para kay Mayor Sara kung sakali.

Ang lider ng Lakas na si Leyte Rep. Martin Romualdez ay nasa Cebu rin at kabilang ito sa pinulong ng mayor na nagkataong birthday din ng misis ng kongresista.