-- Advertisements --

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na may naganap na dayaan sa katatapos na Mayo 12, election.

Sa kaniyang talumpati sa pagtitipon ng mga Filipino sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi nito na mayroon itong nakausap na Information Technology experts.

Ipinaliwanag umano sa kaniya ang ilang mga nakita ng IT experts na mga kaluwagan.

Nanindigan ito na alam niyang nanalo ang tatlong iba pang mga senador na pambato nila na sina Attorney Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc, at Richard Mata.