Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na makikinig at pag-aaralan ng mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang anumang isyu na may kaugnayan sa Konektadong Pinoy Bill bago niya ito lagdaan bilang batas.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro sa ngayon wala pang dokumento na natatanggap ang Pangulo kaugnay sa nasabing panukalang batas.
Binigyang-diin ni Castro na siguradong magsasagawa ng evaluation ang Pangulo partikular sa mga probisyon na nakapaloob sa nasabing panukala at sisiguraduhin nito na magdudulot ito ng kabutihan sa ating mga kababayan.
Ang pahayag ni Castro ay kasunod ng panawagan ng mga Telco operators na dapat rebyuhin ng Pangulo ang Konektadong Pinoy Bill dahil ilan sa probisyon na nakapaloob sa panukalang batas ay mayruong negatibong epekto malalagay sa alanganin ang national security ng bansa at implikasyon sa fair competition.