-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi kakapusin ang supply ng noche buena food items gaya ng hamon at chicken products para sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Agriculture Sec. William Dar, kausap niya ang isang food manufacturer na titiyak sa sapat na supply ng hamon para sa holiday season.

Ayon kay Sec. Dar, kung kulang man ang supply ng baboy dahil sa African swine fever, pwede namang maging source ng protina ang karne ng manok.

Inihayag ni Sec. Dar na bulto-bulto ang supply ng manok ngayon sa bansa.

Sa katunayan, nasa 260 percent inventory umano ang supply ng manok ngayon sa bansa kumpara noong nakalipas na taon sa parehong panahon.

Naipon daw kasi ngayon ang supply dahil nagsara ang maraming establisimiyento gaya ng mga restaurant at fastfood centers.