-- Advertisements --
bigas rice palengke

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa pagtatapos ng El Niño phenomenon sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ito ang binigyang-diin ng pangulo kasunod ng kaniyang pakikipagpulong sa mga stakeholders ng industriya sa pangunuguna Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, dito ay tinalakay ng pangulo kasama ang mga stakeholders ang estado ng rice industry sa Pilipinas at kung ano ang mga hakbang na dapat isaalang-alang ng pamahalaan upang tiyaking magiging sapat ang supply ng bigas sa bansa.

Mula sa naturang pagpupulong ay sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na nananatuling manageable at stable ang rice situation sa bansa dahilan kung bakit naniniwala siyang hindi magkakaranas ng kakulangan sa suplay nito hanggang sa susunod na taon.