-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na supply ng pangunahing mga pangangailangan sa lalawigan ng Albay sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay DTI Bicol Consumers Protection Head Ruben Sumbon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nasa dalawang linggo hangang isang buwan ang inventory ng stocks ng mga basic neccesites sa lalawigan.

Regular din aniya ang mamamahagi ng relief items sa mga evacuation centers kaya walang gaabong problema sa supply ng basic neccesities sa rehiyong Bicol.

Siniguro naman ng opisyal na hindi hahayaan ng ahensya na magkaroon ng pagkakataon ang mga negosyante na magsamantala sa sitwasyon lalo na sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan.

Batay sa regular na monitoring ng DTI ay wala naman aniyang lumalabag sa ipinapatupad na price freeze.

Samantala, sa ikalawang linggo ng Hulyo ay nakatakdang magkaroon ng Diskwento Caravan sa evacuation center sa bayan ng Malilipot upang makapag-alok ng mas murang mga produkto sa mga evacuees sa naturang lugar.

Dagdag pa ni Sombon na pinag-aaralan na rin ngayon ng Department of Trade and Industry ang gagawing diskarte sa pamimigay ng livelihood kits sa mga apektadong residente sa Albay.