Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australian government sa patuloy na suporta sa maritime claims ng Pilipinas sa South China Sea.
Sa kaniyang pahayag sa Parliament of Australia sa Canberra, iginiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na protektahan ang South China Sea.
Humanga din ang pangulo sa Australia sa pagsusulong at pagdepensa sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“We draw strength from the consistent and unequivocal support of Australia and the international community for the lawful exercise of our rights, which have been settled under international law. And so, on behalf of the Filipino people, I thank you, Australia, for standing with the Republic of the Philippines,” ayon sa pangulo.
Sinabi ng pangulo na mananatili ang posisyon ng pamahalaan ng Pilipinas
sa pagdepensa sa soberanya at hurisdiksyon nito sa kabila ng mapaghamon na mga hakbang ng mga barko ng China.