Patuloy ang pagbuhos ng suporta at kalungkutan matapos ang pag-anunsiyo ni Swiss tennis star Roger Federer na ito ay magreretiro na sa paglalaro.
Nagpasya kasi ang 41-anyos na 20-grand slam champion na magretiro dahil sa hindi na kaya ng kaniyang katawan matapos na sumailalim sa operasyon sa tuhod ng dalawang beses.
Magiging huling paglalaro na nito ay sa Laver Cup na gaganapin sa London sa susunod na linggo.
Isa sa mga nagpahayag ng pasasalamat ay si Spanish tennis star Rafael Nadal, kung saan tinawag nitong matinding karibal sa tennis at kaibigan si Federer.
Sinabi nito na kaniyang sinusuportahan ang nasabing desisyon nito.
Habang ang bagong US Open champion na si Carlos Alcaraz ay pinasalamatan niya ang Swiss tennis star dahil isa ito sa mga iniidolo niya sa tennis.
Humirit pa ito na nais pa niya itong makaharap sa tennis court dahil sa kaniyang career ay hindi pa nagtatagpo ang kanilang landas.
Bukod sa mga manlalaro ay nagbigay pugay din ang ilang mga Hollywood celebrities, mga singers at iba’t-ibang tennis tournament sa buong mundo.
Ilan sa mga record na nakamit ni Federer ay ang pagkakaroon ng 20 Grand Slam title na sumusunod lamang kina Nadal na mayroong 22 habang 21 naman kay Novak Djokovic.
Nagwagi na rin ito ng 1,251 single matches, naging world number 1 loob ng 237 na linggo.
Mayroon din siyang walong Wimbledon title bukod pa sa may pinakamatandang manlalaro na hawak world number 1 ranking sa edad noon ng 36 years old and 320 days.
Siya rin ang tanging manlalaro na umabot sa 10 straight men’s Grand Slam finals mula 2005 hanggang 2006 at naglaro ng 31 finals sa kabuuan.
Natatangi rin siyang may hawak ng record ng nakaabot ng apat na Grand Slam finals sa loob lamang ng parehas na calendar year ng tatlong beses 2006, 2007 at 2009.
Hawak din nito ang Open Era record na mayroong longest winning streak on grass na mayroong 65 at all-tiem record sa hard court na mayroong 56.
Sa loob din ng 17 na magkakasunod na taon ay nanatili siya bilang highest paid tennis player ng Forbes na inilabas nitong Agosto.