-- Advertisements --

Mayroong sapat na suplay ng kuryente upang matustusan ang demand sa Luzon subalit nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maaaring maramdaman ng mga consumers ang outages sa mga planta.

Ayon kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, nasa normal conditions na ang mga planta matapos ilagay ang Luzon grid sa Red alert sa nakalipas na araw.

Kung kayat base sa pagtaya na sasapat pa ang kasalukuyang suplay para matugunan ang kinakailangang kuryente ng mga consumers.

Paliwanag pa ng NGCP official na habang wala pang alert status sa ngayon nananatiling manipis ang reserba kumpara sa ideal situation at ang forced outages ay maaaring magresulta ng alert status.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang NGCP sa mga planta para matugunan ang naturang isyu at makapagkonekta sa mas marami pang grid kabilang ang Mindoro na hindi pa rin nakakabalik sa grid.

Tinitignan na rin ng NGCP na maikonekta sa Mindoro grid mula sa Batangas grid na nakadepende pa rin sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC).