-- Advertisements --

Inaasahang balik na sa normal ang suplay ng kuryente sa Panay island nitong hapon ng Biyernes kasunod ng malawakang power outage na nakaapekto sa libu-libong mga residente at nakagambala sa mga operasyon ng mga opisina ng gobyerno, mga negosyo at paaralan.

Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson at CEO Monalisa Dimalanta, gumagana na ang mga naapektuhang planta ng kuryente sa Iloilo.

Inaasahan na makukumpleto ng maibalik ang suplay ng kuryente sa lugar ay hindi na makakaranas pa ng rotational power interruptions.

Iniulat ng ERC official na noong Enero 2 nag-collapse ang planta ng panay energy development corporation subalit ang suplay ng kuryente ay hindi naapektuhan.

Makalipas naman ang 2 oras, 6 na malalaking units ang sumunod na na-collapse na nagdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa buong sistema ng planta.

Ayon sa opisyal, kasalukuyang iniimbestigahan na ng ERC ang naturang insidente.

Kung saan 2 sa posibleng tinitignang dahilan ng mga awtoridad na pag-bitaw ng power plants ay ang sira sa planta at disturbance sa grid.