Tinatayang maging matatag ang suplay ng bigas para sa nalalabi pang buwan ng taong 2022.
Sa kabila nito, hinikayat ng Federation of Free Farmers (FFF) ang gobyerno para sa agarang pag-implementa ng mga hakbang para mapabilis ang agricultural production at masolusyunan ang nakaambang external factors na maaaring makaapekto sa food supply at presyo sa susunod na taon.
Ilan pa sa mga external factors na maaaring makaapekto sa stocks ng bigas sa bansa ang paghina ng halaga ng Philippine Peso, pagpataw ng rice export tax ng India para makontrol ang inflation at pagtaas sa demand mula sa ibang bansa.
Ayon kay Federation of Free Farmers national manager Raul Montemayor, magtatapos ang kasalukuyang taon nang mayroon pang 60 araw na suplay o national rice buffer stock na nagkakahalaga ng 2 million metroc tons kada taon.
Una ng sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang presyo ng mga ibinibentang bigas at gulay sa mga pamilihan ay maaaring umakyat pa sa 15 % hanggang 20% dahil matinding nsalanta ng nagdang bagyo ang rice-producing region na Central Luzon.