-- Advertisements --

Pumanaw na ang British boxer na si Georgia O’Connor sa edad na 25, ayon sa anunsyo ng kanyang promoter na Boxxer noong Huwebes, Mayo 22.

Sa isang post sa Instagram, ipinahayag ng Boxxer ang kanilang pagdadalamhati, “We are heartbroken by the passing of Georgia O’Connor,” sabay papuri sa kanya bilang isang “true warrior inside and outside the ring.”

“The boxing community has lost a talented, courageous and determined young woman far too soon,” dagdag ng kanilang pahayag.

Ipinahayag din ng kumpanya na si O’Connor ay minahal at iginalang ng kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya. “Georgia was loved, respected and admired by her friends here at Boxxer. Our thoughts are with her loved ones at this difficult time,” saad nila.

Matatandaang inamin ni O’Connor na siya ay lumalaban sa cancer na sinundan ng kanyang pakikipaglaban sa ulcerative colitis —isang kondisyon na nagdudulot ng pamamaga at mga sugat sa bituka.

Samantala si O’Connor din ay isang kilalang atleta sa amateur boxing circuit, kung saan siya ay nagwagi ng gintong medalya sa Commonwealth Youth Games noong 2017, pati na rin ng silver at bronze medals sa Youth World Championships noong 2017 at 2018 na kalaunan ay naging professional boxer sa ilalim ng Boxxer promotions.