-- Advertisements --

Nagtala ng mataas na stock ng bigas sa bansa habang mababang stock naman sa mais mula noong Setyembre.

Ayon sa Phlippine Statistics Authority (PSA) na aabot sa 1.451 million metric tons ang stocks ng bigas mula noong Setyembre 1 o mas mataas ng 8.9 percent sa 1.332 million metric tons sa parehas na buwan noong nakaraang taon.

Bumaba naman ng 25.7 percent ang rice stocks depositories ng National Food Authority (NFA).

Mayroon namang 0.2 percent na pagbaba ng stock ng mais o 561,700 metric tons ito noong Setyembre 1.

Bumaba ng 48.9 percent ang corn stocks sa mga kabahayan na taliwas naman sa inventory sa mga stock ng mais sa mga commercial warehouses/ wholesalers/ retailers.