-- Advertisements --
Sapat ang suplay ng bigas at produktong karne sa bansa ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay DA Undersecretary Roger Navarro, base sa datos mula sa Nationa Rice Program, nagpapakita ang kasalukuyang produksiyon ng bigas kabilang ang mga ingkat at stock na bigas.
Sa mga karne gaya ng baboy at manok, marami aniyang suplay habang sapat din ang suplay ng poultry products.
Sa baboy, mayroong taunang sobra na 54 days stock habang sa manok naman ay may 181 day annual stock.
Umaasa naman ang DA official na matugunan ang local meat suppliers ang demand ng karne sa merkado.