Sapat ang suplay ng bigas at asukal sa bansa hanggang sa susunod na taon ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ito ay kasunod ng pagbaba ng presyo ng produktong asukal sa P95 kada kilo.
Ayon kay DA Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista na may mas maayos ng suplay ng asukal ngayon dahil sa milling season ng local producers kumpara noong nakalipas na mga buwan na umaabot pa ang presyuhan sa P120.
Batay sa supply situation, sinabi ni Evangelista na ang presyo ng asukal ay mag-stabilize hanggang sa susunod na taon.
Inihayag din ng opisyal na patuloy na makikipagtulungan ang Sugar Regulatory Authority (SRA) sa mga local trader.
Pagdating naman sa bigas makikipag-ugnayan ang ahensiya sa stakeholders gaya ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ay sapat pa at mayroon ding mapro-produce na local rice hanggang sa unang quarter ng susunod na tao