-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang supermarket na nakitaan ng pagtaas sa presyo ng Noche Buena items.

Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo, sorpresang inspeksyon ang ginagawa nila para hindi makapaghanda ang mga tindahan at makita nila mismo ang bentahan, lalo na sa basic commodities.

Kung mabibigo ang pamunuan ng tindahan na maipakita ang kanilang basehan sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin, maaaring mapagmulta o maipasara ang nasabing supermarket.

Giit ni Castelo, regular nila itong gagawin hanggang sa susunod na linggo, upang maiwasan ang manipulasyon sa presyo ng ilang negosyante.