-- Advertisements --

Patuloy na nananalasa matapos mag-landfall ang Super Typhoon Nando ngayong hapon sa Panuitan Island, sakop ng bayan ng Calayan, Cagayan, at kasalukuyang kumikilos pa-kanluran, palayo sa Babuyan Islands.

Batay sa pinagsama-samang datos, kabilang ang Aparri Doppler Weather Radar, ang mata ng bagyo ay nasa baybayin ng Calayan Island, Cagayan.

Naitala ang lakas ng hangin: 215 km/h

Bugso ng hangin: hanggang 295 km/h

Bilis ng galaw: Pa-kanluran sa 25 km/h

Lawak ng hangin: Hanggang 650 km mula sa sentro

Signal No. 5 – Babuyan Islands

Signal No. 4 – Katimugang bahagi ng Batanes, hilagang bahagi ng mainland Cagayan, at hilagang bahagi ng Ilocos Norte

Signal No. 3 – Natitirang bahagi ng Batanes, gitnang bahagi ng mainland Cagayan, hilaga at gitnang bahagi ng Apayao, at natitirang bahagi ng Ilocos Norte

Signal No. 2 – Natitirang bahagi ng Cagayan, Isabela, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Benguet, hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, at hilagang bahagi ng La Union

Signal No. 1 – Quirino, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, at hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands