-- Advertisements --
biden sanders

Ikinabigla ng lahat ang tila surprise comeback ni former Vice President Joe Biden sa kampanya bilang presidential nominee ng Democratic Party para sa 2020 US Presidential election sa Nobyembre.

Sa isa sa pinakamahalagang araw para sa Democratic primaries na tinaguriang “Super Tuesday”, hinakot ni Biden ang karamihan ng boto ng mga delegates mula sa sampung estado.

Ito ay mula sa Alabama (52), Arkansas (31), Maine (24), Massachusetts (91), Minnesota (75), North Carolina (110), Oklahoma (37), Tennessee (64), Texas (228) at Virginia (99).

Nakuha naman ng kaniyang katunggali na si Vermont Sen. Bernie Sanders ang karamihan ng boto sa California na itinuturing na mayroong pinaka-malaking bilang ng mga delegates.

Nanguna naman si Sanders sa apat na estado. Ito ay sa California (415), Colorado (67), Utah (29), at Vermont (16).

Batay sa huling datos, si Biden ay mayroon ng 627 delegates o 34.1% ng boto habang 551 votes o 33% lamang ang kay Sanders.

Ang isang kandidato ay kinakailangang makakuha ng 1,991 votes ng mga delegates mula sa iba’t ibang estado upang magkaroon ng pagkakataon na kalabanin si US President Donald Trump sa darating na eleksyon.