-- Advertisements --

Mas naging klaro na ang pagtakbo ni dating US Vice President Joe Biden para maging Democratic Party candidate matapos nitong makuha ang panalo mula sa Mississippi, Missouri at Michigan.

Nilampaso ni Biden ang kaniyang katunggali na si Vermont Sen. Bernie Sanders ng halos 40% sa bawat estado.

Nakuha rin ng dating bise presidente ang boto mula sa mga suburban voters kung saan nakakuha naman ito ng 20 puntos kada estado habang 30 puntos naman para sa mga naninirahan sa rural areas.

Sa huling tala, mayroon nang 823 delegates na bumoto kay Biden at 663 delegates lamang ang kay Sanders.