Nakaganti rin ang Phoenix Suns sa laban sa New Orleans Pelicans sa first round ng Game 5 matapos na idispatsa sa iskore na 112-97.
Dahil dito abanse na sa 3-2 lead ang Suns sa Western Conference at isang panalo na lamang ang kailangan para sa semifinals.
Nanguna sa diskarte ng top team na Suns si Mical Bridges nang kumamada ng 31 points.
Sa panig naman ng Pelicans namayagpag sa kanyang performance si Jonas Valanciunas na may 17 points at 14 rebounds.
Sumuporta rin naman si Chris Paul na nagtala ng 22 points at 11 assists.
Sa ibang game, isang panalo na lamang din ang kailangan ng Memphis Grizzlies makaraang makalusot sa Minnesota Timberwolves sa Game 5, 111-109 sa nagpapatuloy na first-round Western Conference series.
Bumida si Ja Morant sa big win nang maipasok ang lay up sa huling segundo para sa kanyang kabuuang 30 points.
Si Morant ay una nang kinilala ng NBA bilang most improved player.
May pagkakataon namang itabla muli ang serye sa Game 6 na gaganapin sa homecourt ng Wolves sa Sabado.