-- Advertisements --

Namayani ang Phoenix Suns sa banggaan ng top teams sa Western Conference nang itumba ang Utah Jazz, 121-100.

Hindi kinaya ng Jazz ang tambalang Devin Booker na may 31 points at Chris Paul na nagpakita ng 12 points at nine assists.

Nagpadagdag sa malas ng Jazz ang hindi pa rin paglalaro ng dalawang All-Star backcourt na sina Mike Conley at Donovan Mitchell.

Sa ngayon parehong may 45-18 na ang magkaribal na team.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na tinalo ng Suns ang Jazz.

Nanguna sa bigong game ng Jazz si Bojan Bogdanovic na nagtapos sa 22 points.

Lumalabas na sa nakalipas na apat na games ay tatlo na ang talo ng Jazz.

Aminado naman si Rudy Gobert na nanamlay ang kanilang opensa na siyang nakaapekto sa kanilang depensa.

Ang Fil Am na si Jordan Clarkson ay marami ring sablay na tira kung saan nag-ambag siya ng 12 points kasama na ang tatlong three points shots mula sa bench.