-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ang dating sundalong namaril sa Lakeland Florida, U.S.A ay may post traumatic syndrome na sakit ng mga sundalong nanggagaling sa giyera.

Apat ang nasawi matapos pumasok sa isang bahay at pinagbabaril ang mga biktima ng suspek na si Brian Rilley, 33 anyos, retiradong Marine.

Nagawa pang makipagbarilan sa mga pulis Rilley, 33 taong gulang bago tuluyang sumuko.

May mga dalang baril sa truck niya na nasunog.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington DC na napakalungkot at napakasakit sa pamilya ang pagkamatay ng mga biktima na kinabibilangan ng isang ina na hawak ang tatlong buwang sanggol na anak na lalaki at isang lola.

-- Advertisement --

Ayon kay Ginoong Melegrito, marami ring sundalong amerikano na nanggaling sa Afghanistan ang nakakaranas post traumatic syndrome at ilan sa kanila ay nasa ospital.