-- Advertisements --
DAVAO CITY – Patay ang isang sundalo matapos mahulog ang sinasakyan nitong pick-up sa Sasa creek sa Km 10 nitong lungsod kaninang umaga.
Sa imbestigasyon ng Sasa Police station, patungong bahagi ng norte ang nasabing pick up kung saan napalakas umano ang brake ng driver hanggang sa nawalan ng kontrol.
Nahulog ang sasakyan ng biktima sa creek at dumiretso sa ilog.
Sa nasabing insidente, dead on arrival ang biktima na nakilalang si Michael Almaid, 34 anyos at sinasabing miyembro sa Philippine Army.
Habang nasa kustodiya ngayon sa Sasa PNP ang driver na si Crisanto Saladas Gacang, at dalawang iba pang mga pasahero nito nasila Michael Balos at Joel Custodio.