LEGAZPI CITY – Nag-iwan ng isang sundalong patay ang engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA) sa Sitio Quiapo, Barangay Tobgon, Oas, Albay.
Kinilala ang namatay na si Sergeant Ignacio Refuerzo ng Philippine Army (PA) Civil-Military Operation (CMO) Battalion.
Sugatan naman ang mga kasamahan nitong sina Sgt. Edgar Sarahan, Private First Class Alsaddam Adulahid, Pfc. Alvin Esteria, Private John Mark Verdilflor, at Private Teodoro Cardano Jr., na pawang nakadestino sa nasabing battalion.
Ayon sa report mula sa kapulisan, patungo sana ang team sa Barangay Tobgon nang makasagupa ang grupo ng NPA sa Sitio Quipo.
Nabatid na aabot sa 15 miyembro ng teroristang grupo ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan.
Lumalabas naman sa report na nagsagawa ng Serbisyo Caravan ang CMO team ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad para sa pagkakadakip ng mga nakatakas na rebeldeng grupo.
Naglagay na rin ng checkpoints sa Barangay Camagon sa naturang bayan.