-- Advertisements --

Naaresto sa Russia ang isang sundalo ng US dahil sa umano sa pagnanakaw.

Ayon sa US official na kinilala aito na si Gordon Black na kasalukuyang sumasailalim sa pre-trial detention.

Naaresto ang staff sergeant noon Mayo 2 kung saan nakatalaga ito sa South Korea at bumiyahe sa Russia sa sarili nitong pagpasya.

Ipinalaam na ng Russia sa US ang nasabing insidente habang nakakulong si Black sa Vladivostok.

Nangyari ang pagkakaaresto matapos ang patuloy na tensiyon sa pagitan ng Russia at US dahil sa giyera sa Ukraine.