-- Advertisements --

Wala ng isasagawang 2024 Summer Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman at MMFF overall Chairman Atty. Romando Artes, na nais nilang paghandaan ang ika-50 edisyon ng MMFF sa buwan ng Disyembre.

Nakausap na rin nya si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman Tirso Cruz III na isagawa ang planong Pista ng Pelikulang Pilipino kapalit ang Summer MMFF.

Pagtitiyak pa ni Artes na ibibigay niya ang buong suporta sa FDCP kung ituloy ang nasabing Pista ng Pelikulang Pilipino.