-- Advertisements --

Naibenta sa auction sa Paris ang sumbrero ni Napoleon Bonaparte sa halagang $2.1 milyon.

Ang itim na bicorne beaver felt hat ay unang ibinenta ng hanggang $873,400.

Hindi na pinangalanan pa ng auction house sa Paris ang nakabili ng nasabing sumbrero.

Ayon sa mga historians na sinasadya talaga ni Napoleon ang pag-iba ng suot ng nasabing sumbrero para siya ay makilala sa tuwing may labanan itong napupuntahan.

Mayroon aniya itong mahigit 120 na bicorne hats sa loob ng ilang taon ana giba ay itinago bilang personal na collection.

Ibinenta ng nasabing sumbrero kasama ng ilang memorabilia ni Napoleon ng isang industrialist na pumanaw noong nakaraang taon.

Bukod sa sumbrero ay mayroon ding ibinebenta ang Osenat auction house sa Fontainebleau ng mga cockade na inilalagay sa knaiyang sumbrero noon pang 1815.

Ilan pa sa ibinebenta ay ang mga silver plate na ninakawa sa karwahe ni Napoleon noong ito ay natalo sa Waterloo noong 1815.

Naging emperor ng France si Napoleon mula 1804 hanggang 1814 at tinaguriang pinakamagaling na miliary lider sa buong mundo.