-- Advertisements --

Naglabas ng tsunami warning ang Sumatra Island sa Indonesia matapos ang pagtama ng magnitude 7.3 na lindol.

Ayon sa European-Mediteraranean Seismological Center (EMSC) na unang naitala nila ito bilang 6.9 magnitude at binago sa magnitude 7.3.

Maraming gusali naman ang nasira nasabing lugar.

Madalas na nakakaranas na paglindol ang Indonesia dahil
ito ay nasa Pacific Ring of Fire na seismically active zone kung saan iba’t-ibang mga plates ng mga crust ng mundo ang nagsasalubong.