-- Advertisements --
Natapos ang paglalagay ng suicide prevention net sa Golden Gate Bridge sa San Francisco.
Ang nasabing hakbang ay hiniling ng mga pamilya ng mga nagpapatiwakal sa tulay.
Mula ng mabuksan sa publiko ang nasabing tulay noong 1937 ay nasa 2,000 katao na ang tumalon sa tulay.
Ang suicide deterrent system o kilala bilang the net ay inilagay sa 95 percent ng tulay o sakop nito ang 2.7 kilometers na tulay.
Ayon sa Golden Gate Bridge Highway and Transportation District na ang nasabing net ay siyang pipigil sa mga magbabalak na tumalon.