-- Advertisements --
Ibinunyag ng White House na isang cancerous ang sugat na tinanggal ng mga doctor sa balat ni US President Joe Biden noong nakaraang buwan.
Ang cancerous tissue ay matagumpay na tinanggal at h indi na kinailangan pa na magpagamot ang pangulo.
Nadiskubre lamang ito ng sumailalim sa regular check-up ang US President.
Matapos kasi ang isinagawang physical exam sa 80-anyos na pangulo noong Pebrero ay idineklara ng kaniyang doctor na siya ay malusog para sa trabaho.










