-- Advertisements --

Ininspeksyon ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega ng asukal sa Quezon City sa patuloy na pagsisikap na matiyak na walang indibidwal o mangangalakal ang nagho-hoard o nagpupuslit ng asukal sa gitna ng naiulat na kakulangan ng suplay.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang pag-inspeksyon sa sugar warehouse ng La Perla Sugar Export Corporation sa Quezon City ay bahagi ng aksyon ng pamahalaan upang matiyak na magkakaroon ng sapat na supply ng asukal sa merkado.

Ang inspeksyon ay isinagawa ng Customs Intelligence and Investigation Service ng BOC, ng Enforcement and Security Service-Quick Response Team ng Manila International Container Port, at ng Armed Forces of the Philippines.

Isinagawa ito batay sa Letter of Authority na inilabas ni BOC Commissioner Commissioner Yogi Filemon L. Ruiz.

Sa nasabing hakbang, natagpuan ng mga BOC agents 57,000 sako ng imported na refined sugar mula Thailand na may tinatayang halaga na P285 milyon.

Ang bawat sako ay naglalaman ng 50 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P5,000.

Ang composite team at ang customs examiners ay nagsasagawa ng isang nakagawiang imbentaryo at inspeksyon ng mga papasok na produkto.

Magugunitang, ang naiulat na kakulangan ng suplay ng asukal ay nakaapekto na sa produksyon ng mga soft drink sa bansa.