-- Advertisements --
image 19

Nanumpa na ang mga bagong Sugar Regulatory Administration (SRA) officials kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacanang.

Kasunod ito ng una nang nabanggit ni Pangulong Marcos hinggil sa re-organization sa ahensiya na nitong Sabado ay inanunsiyo ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles.

Kabilang dito si David John Thaddeus P. Alba na magsisilbing acting administrator ng SRA kapalit ni Hermenegildo Serfica na nag-resign at tinanggap naman ang pagbibitiw.

Kasama ring nanumpa sina Pablo Luis S. Azcona at Ma. Mitzi V. Mangwag na hahalili kay Atty. Roland Beltran na ang rason ng pagbibitiw ay ang kaniyang kalusugan, maliban pa sa isang bakanteng puwesto.

Maliban dito, nanumpa rin sa punong ehekutibo ang mga bagong opsiyales ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).