Nangangako ang isang grupo ng mga producer ng asukal na mas mababang presyo ng asukal sa panahon ng Pasko dahil inaasahan nilang tataas ang mga suplay sa bansa simula sa Nobyembre.
Sinabi ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (USPFP) na maaaring asahan ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng “White Christmas”.
Ayon kay United Sugar Producers Federation of the Philippines (USPFP) President Manuel Lamata na iniipon pa ‘yung mga “raw sugar” para sa pag-fire up ng refinery.
Tiwala umano siyang babagsak ang presyo ng asukal at dadami ang suplay nito.
Inaasahang bababa ang presyo ng asukal sa humigit-kumulang P70 hanggang P80 kada kilo kapag dumating na sa bansa ang 150,000 metric tons ng imported supplies na kinontrata sa ilalim ng Sugar Regulatory Administration (SRA’s) Sugar Order No.
Samantala, umaasa naman ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na mapapababa pa ang presyo ng asukal sa P65 hanggang P70 kada kilo.
Sa panig nito, umapela ang Department of Trade and Industry sa ilang supermarket na panatilihin ang P70 kada kilo ng price ceiling hanggang