-- Advertisements --

Naitala sa Sudan ang unang kaso ng monkeypox.

Ayon sa Sudan health ministry, na isang 16-anyos na estudyante mula sa West Darfur state ng Sudan ang nasabing kaso.

Sinabi naman ni Montaser Othman ang director ng epidemic control na mayroong 38 iba pang ‘suspected’ cases subalit negatibo ang mga ito sa test.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga health authorities sa Sudan kung saan paano nahawa ang nasabing unang kaso ng monkeypox.