-- Advertisements --
Nagsagawa ng air attacks ang Sudan Army bago ang pagsisimula ng isang linggong ceasefire nila ng paramilitary Rapid Support Forces.
Target ng bombing ang mga sasakyan mula sa mobile unit ng RSF sa Khartoum, Omdurman at Khartoum North.
Una ng sumang-ayon ang dalawang grupo sa nasabing ceasefire kung saan pinangasiwaan ng US at Saudi Arabia ang panibagong ceasefire.
Bagamat maraming mga naganap na ceasefire ay ito ang unang pagkakataon na pormal na sumang-ayon ang dalawang grupo.
Mula ng maganap ang kaguluhan sa Sudan noong Abril 15 ay aabot na sa 1.1 milyon na mga katao ang lumikas kung saan nasa 250,000 ang lumipat sa karatig ng bansa ng Sudan.