Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa paggamit ng mga substandard o mababang kalidad na uri ng face masks na ibinibenta online.

Sa isang panayam sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na dapat pasok sa standard ng Department of Trade and Industry at Food and Drug Administration ang nasabing produkto.

Ayon sa opisyal, maging ang mga locally-produced na face masks ay may sinusunod din na standard bago gawin at ibenta.

Sa ngayon, prayoridad pa rin daw para sa mga de kalidad na surgical at N95 mask ang mga health care frontliners.

Kaya naman suportado ng ahensya ang paggamit ng publiko sa paggamit ng face mask na gawa sa tela. Basta’t gagamitin lang sa pang-araw araw na gawain at hindi sa medical setting.

Nagpaalala rin ang opisyal sa tamang pagsuot face mask, na dapat natatakpan ang ilong hanggang kanto ng baba.

Bukod sa pagsusuot ng PPE, ipinaalala rin ng DOH ang palagiang paghuhugas ng kamat at social distancing.