Napatay ng mga kapulisan sa Marawi City, Lanao del Sur ang isa sa lider ng ISIS-inspired terrorist group na Daulah Islamaiyah (DI-ISIS).
Kinilala ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang suspek na napatay na si Usop Nasis o kilala na si Abu Asraf isang subleader ng DI-ISIS Lanao at number two man ni Abu Zacaria.
Dagdag pa ng PNP chief na patuloy ang pakikpag-ugnayan nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para tugusin pa ang ibang kasama ng napatay na suspek.
Naganap ang engkuwentro kay Nasis ng isisible na san ang warrant of arrest nito sa tatlong criminal cases na murder at frustrated murder na inilabas ng Regional Trial Court Branch 12 ng Malabang, Lanao del Sur.
Nasugatan pa ang walong kasama ng suspek na itinakbo na ang mga ito sa pagamutan.
Nakuha rin sa pinangyarihang ng engkuwentro ang iba’-ibang uri ng mga armas, pampasabog at mga gamit sa paggawa ng bomba.